top of page

27-anyos na babae, arestado sa buy-bust operation ng otoridad sa Poblacion 2, Cotabato City

  • Teddy Borja
  • Apr 22
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang suspek sa alyas na “Sam” residente ng Buliao 1, Barangay Poblacion Mother, Cotabato City.



Inaresto ito alas 8:35 kagabi, April 21 dahil sa paglabag sa Republic Act 9165.


Sa report ng pulisya, nabilhan ang suspek ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timang na 0.1 gramo at may standard drug price na P680.


Nasa kustodiya na ng Police Station 4 ang suspek habang ang mga nakuhang ebidensiya ay isusumite naman sa RFU-BAR para sa eksaminasyon.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page