top of page

P3.6 million suspected shabu, nasamsam ng otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Bukidnon

  • Teddy Borja
  • Apr 7
  • 1 min read

iMINDSPH



Limangdaan at tatlumpong gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit-kumulang P3,604,000 ang nasamsam ng otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 3, Barangay Kinura, Kalilangan, Bukidnon, bandang 5:13 ng hapon noong Abril 5, 2025.



Apat na indibidwal ang naaresto sa operasyon.


Ang buy-bust ay pinangunahan ng Kalilangan Municipal Police Station katuwang ang Bukidnon Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, at mga tauhan ng 1004th Coy, 2nd PB, RMFB-10.


Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng PDEA Pre-Ops No. 30002-042025-0106.


Kabilang sa mga naaresto ay isang babae na residente ng Brgy. Nangka Gredu, Panabo City, Davao del Norte; isang 22-anyos na lalaki na kapwa residente ng parehong barangay; isang 39-anyos na babae mula Purok Masagana, Brgy. West, Tagum City; at isang 49-anyos na lalaki na residente ng Purok 1, Brgy. Caloc-an, Magallanes, Agusan del Norte.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 5 gramo na nagsilbing buy-bust item, limang piraso ng tig-P1,000 buy-bust money, tatlong knot-tied plastic cellophane na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang 500 gramo, dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 25 gramo, iba't ibang cellphone, pitaka, mga bag, at isang itim na Xpander na may plakang LAM 1284.


Ang mga nahuling indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Kalilangan MPS para sa kaukulang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page