top of page

PAGLILINAW HINGGIL SA PAHAYAG NI COMMANDER BRAVO

  • Diane Hora
  • Apr 22
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa statement na inilabas ni BIAF Chief of Staff at UBJP Secretary General Abdulraof "Sammy Gambar" Macacua, nilinaw nito ang report ng The Mindanao Sentinel hinggil sa umano’y pahayag ni BIAF North Western Mindanao Front Commander

Abdullah "Bravo" Macapaar sa isang campaign rally ng UBJP sa Maguing, Lanao del Sur, a-20 ng Abril, na nagmumungkahi ng paggamit ng pwersa para masiguro ang panalo sa halalan.


Ayon sa opisyal, ang napaulat na pahayag ni Commander Bravo ay hindi sumasalamin sa opisyal na paninindigan o patakaran ng pamunuan ng MILF.


Ayon kay Macacua, habang patuloy aniya na pinahahalagahan ng MILF ang makasaysayang papel ni Commander Bravo sa layunin ng Bangsamoro, ang landas aniya na tinatahak ngayon ng MILF ay ang kapayapaan, demokratikong pakikipag-ugnayan, at paggalang sa panuntunan ng batas.


Dagdag ni Macacua na ang MILF ay nananatiling nakatuon sa pagsuporta sa mapayapa, tapat, at kapani-paniwalang halalan. Nananawagan din ang opisyal sa lahat ng kandidato, tagasuporta, at stakeholder na itaguyod ang pagkamagalang at hayaang manaig ang soberanya na kalooban ng mga tao.


Pinagtitibay din aniya ng MILF ang pagsunod sa isinasaad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) at sa pagprotekta sa mga napagtagumpayan ng peace process.


Sinabi ni Macacua na hayaang maging repleksyon ng maturity bilang isang democratic society ang panahon ng eleksyon at pagsasama-sama aniya sa pangako ng pagpapanatili ng kapayapaan at hustisya sa Bangsamoro region.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page