Pondong hindi nagagamit, bumabalik sa Bangsamoro Treasury at palaging pinalalawig ng Bangsamoro Parliament ang bisa sa mga pondo dahil sa hindi natapos na mga proyekto
- Diane Hora
- 49 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sayang umano ang pondo kung hindi nagagamit.
Ito ang pahayag ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa ibinahaging impormasyon ng Office of the Chief Minister-Strategic Communications.
Taun-taon anila ay bumabalik sa Bangsamoro Treasury ang mga pondong hindi nagagamit.
Sa mga nakaraang taon, ayon sa ibinahaging impormasyon, palagi umanong pinalalawig ng Bangsamoro Parliament ang bisa ng mga pondong ito dahil sa hindi umano natapos na mga proyekto.
Mula sa regular appropriations hanggang sa Special Development Fund ayon sa report. Sa halip na magamit sa loob ng isang taon, nananatili lang ito sa mga accounts ng ministries.
Samantala,
Bagama’t ibang administrasyon na ang nakaupo, ayon sa Office of the Chief Minister-Strategic Communications-
nananatiling iisang Government of the Day sa ilalim ng parehong partidong UBJP.
Sinabi umano ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua bilang kasalukuyang Chief Minister, na nais umano nitong panatilihin ang integridad ng MILF-led Government of the Day—mula noon hanggang sa kasalukuyan.
Layunin anila ng kanyang pamumuno na isaayos ang anumang natitirang suliranin bago ito tuluyang ipasa sa sinumang bagong administrasyon ang magwawagi sa halalan sa October 2025 kung kailan gaganapin ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.
Comments