

PLEDGE OF COMMITMENT | PEACE COVENANT SIGNING
Pumirma sa pledge of commitment at peace covenant ang mga kandidato sa Malidegao, SGA araw ng Miyerkules, January 8. Bahagi ito ng pagsusumikap ng otoridad para sa maayos at mapayapa na local at national elections gayundin sa kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM
Ito ay ginanap sa covered court ng Barangay Batulawan.
Pinangunahan ito ng mga opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines na kinabibilangan nina Brigadier General Donald Gumiran, ang Commander ng 602nd Brigade at LCol Erwin jay Dumaghan, ang Battalion Commander of the 40th Infantry Battalion.
Nakiisa sa hakbang ang mga opisyal ng Philippine National Police kabilang dito si Police Colonel Joel Estaris ang acting Provincial Director ng Maguindanao del Norte at kasalukuyang Ground Commander ng SGA BARMM at PLTCOL Assir Balindong ang Deputy Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 14-A.
Ang paglagda ng mga kandidato ayon sa otoridad ay patunay ng kanilang pakikiisa sa pagkakaroon ng mapayapa at maayos na halalan ngayong darating na Mayo.

PROPOSED BANGSAMORO REVENUE CODE
Gumulong muli ang pagdinig ng Committee on Ways and Means ng Bangsamoro Transition Authority Parliament para sa pagsasabatas ng proposed Bangsamoro Revenue Code. Target ng komite na maisabatas ito ngayong buwan ng Enero o Pebrero. Ayon kay Deputy Speaker at Ways and Means Committee Chair Paisalin Tago, mayroong mahigit 400 provisions ang panukalang batas.

JOINT SECURITY CONTROL CENTER COORDINATING CONFERENCE
Tinalakay sa kauna-unahang Provincial Joint Security Control Center Coordinating Conference sa probinsya ng Maguindanao del Sur arawn ng Miyerkules, January 8, ang ibat ibang paghahanda para matiyak ang ligtas, patas, at transparent electoral process sa lalawing ngayong darating na Mayo.
Pinangunahan ito ni Maguindanao del Sur Provincial Election Supervisor Atty. Allan Kadon.
Dumalo sa pulong ang mga matataas na opisyal ng PNP at AFP sa pangunguna ni PCol Ryan Bobby Paloma ang Provincial Director ng Maguindanao del Sur PPO at Brigadier General Donald Gumiran, ang Commander ng 602nd Brigade ng Philippine kasama ang mga hepe mula sa dalawampu’t apat na municipal police stations ng MagSur at Municipal Election Officers.
Binigyang tugon din sa meeting ang mga potential security concerns, pagpapalakas ng voter education, pagkakaroon ng communication protocols, at pagbuo ng plano kung saan nakasaad ang mga katungkulan ng bawat ahensiyang kasapi.

BUSINESS ONE-STOP SHOP
Umarangkada na araw ng Lunes, January 8 ang Business One-Stop Shop ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Sa programa, mapapadadali ang pagproseso ng renewal o pagkuha ng business permit ng mga negosyante.
Mula noong araw ng Lunes hanggang sa January 10 magtungo lamang ang mga magpoproseso sa municipal covered court sa Barangay Poblacion ng bayan.
Mula January 15 naman hanggang 17, isasagawa ito sa Sitio Fatima Covered Court, Barangay Tamontaka.
Kung may mga katanungan, maari po kayong tumawag sa BPLO-DOS Office sa numerong:0985 571 3627 o mag mensahe sa Facebook Page ng BPLO - Datu Odin Sinsuat.

DRUG-CLEARED BARANGAYS
Dineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency na Drug-Cleared ang 67.97% o 29,390 mula sa 42,002 barangay sa buong bansa. Ang bilang na ito ng mga barangay ay sumailalim sa Barangay Drug Clearing Program matapos ang masusing deliberasyon at validation ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing o ROCBDC.
Ang ROCBDC ay pinamumunuan ng Regional Director at binubuo ng mga representante mula sa Department of the Interior and Local Government Philippine National Police Department of Health at local government units.
Dinideklarang drug cleared ang isang barangay mula sa illegal drug activities kapag naabot nito ang parameters na itinakda ng Dangerous Drugs Board Regulation No. 4 Series of 2021 o “Sustaining the Implementation BDCP and Repealing for such purpose Board Regulation No. 3 Series of 2017”.
6,113 barangays nationwide o 14.55 percent ang nanatiling drug-affected, ibig sabihin ayon sa PDEA, ang mga barangay na ito ay naiulat at may validated presence ng Persons Who Use Drugs o PWUDs, pushers, drug den maintainers, coddlers, protectors, financers, cultivators, at manufacturers.
Sa kabuuang bilang ng mga barangay sa buong bansa, 6,179 barangays o 14.71 percent ang kinumpira ng ROCBDC bilang drug-unaffected, habang 320 barangays o 0.76 percent ang drug-unaffected o mga barangay kailanman ay walang naitalang illegal drug activities.
Sa taong 2024, mayroong 1,314 barangays na drug-affected status, kabilang na ang 69 cities at municipalities, ang dineklara na drug-cleared.
Hangad ng PDEA na makamit ang drug resistant at self-policing communities sa taong 2030.

HANDA NA SA 2025 NLE, BARMM ELECTIONS
Handang handa ang Commission on Election sa May 12, 2025 National and Local Elections at First Regular Parliamentary Elections sa BARMM.
Sinabi ito ni COMELEC Chairman George Garcia sa isinagawang Press Briefing ngayong araw kasama si Armed Forces Chief of Staff, General Romeo Brawner at PNP Chief General Rommel Marbil.

NAGBABALA SA PAGS AT MGA TAUHAN NG KANDIDATO AT PULITIKO
Nagbigay ng babala si COMELEC Chairman George Garcia sa mga Private Armed Groups at sa mga tauhan ng mga pulitiko at kandidato na mananakot ng botante lalo na sa kanilang mga election officers at personnel.
Hiling nito sa PNP at APF na mawala ang mga PAGs bago ang halalan sa Mayo.

P6.3 TRILLION 2025 NATIONAL BUDGET
Pinirmahan na ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang batas ang P6.3 trillion national budget para sa taong 2025.
Isinagawa ang signing sa Malacañan Palace.
Mismong si Pangulong Marcos Jr ang humimay sa panukalang budget matapos aprubahan ng dalawang kapulungan ng kongreso.