top of page









































LATEST ARTICLE


MOLE, sinuri ang mga nagawa at target pa ng ministry hanggang sa katapusan ng taon sa ikalawang management committee meeting sa Cotabato City
iMINDSPH Ginanap ang pulong noong a trenta ng Oktubre sa Haraya Hall, Alnor Hotel, Cotabato City, na dinaluhan ng mga opisyal at mga pinuno ng provincial at field offices ng Ministry of Labor and Employment. Layunin ng pagpupulong na suriin ang mga nagawa at target ng ministeryo hanggang sa pagtatapos ng taon, talakayin ang paggamit ng pondo, mga usaping administratibo at magtakda ng mga direksyon para sa fiscal year 2026. Pinangunahan mismo ni MOLE Minister Muslimin “Bapa Mu


Rice assistance, ipinamahagi sa mga Yateem at mga guro ng Kimpo Elementary School
iMINDSPH Patuloy ang paghahatid-serbisyo ni Bangsamoro Transition Authority Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo sa mga komunidad sa lungsod. Kamakailan, personal niyang binisita ang Markadz Abbdulrahman Al-Sulaytien sa Poblacion 8, Cotabato City, kung saan kasalukuyang naninirahan ang mga batang ulila. Ipinamahagi rito ang tulong na bigas para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain. Samantala, tumugon din ang kanyang grupo sa pangangailangan ng mga guro at vendors ng K


MDN with Cotabato City Cong. Bai Dimple Mastura, nagpaabot ng pagbati at suporta sa pagtatapos ng IP Month
iMINDSPH Patuloy ang suporta ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura sa kapakanan ng mga Indigenous Peoples sa rehiyon. Sa pagtatapos ng National Indigenous Peoples Month, muling ipinapaabot ni Congresswoman Bai Dimple Masturaang kanyang taos-pusong pakikiisa at suporta sa mga katutubong pamayanan ng Maguindanao del Norte at ng buong rehiyon. Sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtulungan sa Department of Education Maguindanao del Norte, Loc


Provincial Government of Maguindanao del Norte, inactivate ang Emergency Operations Center at Incident Management Team upang masiguro ang kahandaan at kaligtasan sa anumang uri ng sakuna
iMINDSPH Kasabay ito ng paggunita ng 100 Days of Purposeful Leadership ni Governor Datu Tucao Mastura, at sa bisa ng Executive Order No. 9, Series of 2025,
opisyal nang operational ang EOC at IMT na pamamahalaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO. Layunin ng nasabing tanggapan na tiyakin ang maayos, ligtas, at epektibong pamamahala ng lahat ng operasyon kaugnay ng mga makasaysayang kaganapan sa lalawigan. Sa ilalim ng Republic Act No. 10121, 


Halos 15,000 indibidwal sa Eastern Samar ang naapektuhan ng Bagyong Tino
iMINDSPH Halos labinlimang libong indibidwal, o mahigit apat na libong pamilya sa Eastern Samar, ang apektado ng Bagyong Tino. Batay ito sa Situational Report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ayon sa ulat ng Radyo Pilipinas. Pinakamaraming apektado sa bayan ng Guiuan na may 5,704 indibidwal, sinundan ng Balangiga na may 1,631, at Salcedo na may 1,327 katao. Sa bayan naman ng Guiuan, agad na nagsagawa ng preemptive evacuation sa mga flood-p


South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr, muling itinalaga ng Malacañang bilang chairperson ng Regional Peace and Order Council (RPOC) 12 para sa taong 2025-2028
iMINDSPH Nananatiling Chairperson ng Regional Peace and Order Council (RPOC) Region 12 para sa taong 2025–2028 si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., matapos siyang muling italaga ng Malacañang. Patunay umano ito ng pagkilala sa kanyang epektibong pamumuno sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong rehiyon ng SOCCSKSARGEN, gayundin sa kanyang pangunguna sa pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, pulisya, militar, at iba’t ibang sektor. Kasama n


Mga residente ng Bacayan, Cebu City, tulong-tulong matapos anurin ng baha ang kanilang mga sasakyan at iniwang putik at pinsala dulot ng matinding baha kasunod ng paghagupit ng Bagyong Tino
iMINDSPH Tulong-tulong ang mga residente ng Villa del Rio sa Bacayan, Cebu City, ngayong araw na lubhang naapektuhan ng matinding pagbaha kasunod ng paghagupit ng bagyong Tino. Makikita sa lugar ang mga sasakyang nagpatong-patong matapos tangayin ng rumaragasang tubig. Bakas din sa mga kalsada at kabahayan ang matinding putik at pinsalang iniwan ng bagyo. Marami sa mga residente ang napilitang umakyat sa bubong ng kanilang mga bahay sa kasagsagan ng baha upang makaligtas.


Project TABANG at TMS OCM, pinalalakas pa ang sistema ng paghahatid serbisyo
iMINDSPH Isinagawa noong October 30 ang serye ng Key Informant Interviews o KIIs na pinangunahan ng Research and Development Division sa pangangasiwa ng Technical Management Services ng Office of the Chief Minister na naglalayong mapabuti pa ang sistema ng pamamahala at paghahatid ng serbisyo sa Bangsamoro ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG. Ang aktibidad ay bahagi ng Assessment of the Organizational Health ng Special Programs–Project Management O


Bagong paaralan, madrasah, itatayo sa iba’t ibang bahagi ng BARMM
iMINDSPH Sa layuning palawakin ang akses sa de-kalidad na edukasyon sa rehiyon. Isinagawa noong October 16, ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng dalawang palapag na may apat na silid-aralan na Public Madrasah sa Barangay Tubig-Indangan, Simunul, Tawi-Tawi. Ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Special Development Fund 2021 na may kabuuang halaga na ₱8,677,500.33. Sa oras na matapos, Layunin nitong magbigay ng maayos at angkop na pasilidad para sa Islami


5th Municipal Musabaqah sa Datu Saudi Ampatuan, matagumpay
iMINDSPH Sa hangaring pagtibayin ang pagkakaisa, talino at pananampalataya ng kabataang Maguindanaon, matagumpay na isinagawa sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur ang 5th Municipal Musabaqah 2025 na may temang “Unity in Science and Sports: Develops Intellect and Brotherhood”.  Pinangunahan ito ng mga opisyal na mula sa sektor ng edukasyon, religious leaders at lokal na pamahalaan.  Layunin ng aktibidad na ipakita na ang tunay na edukasyon ay hindi lamang nasus


75 armchairs, handog ni Governor Datu Tucao Mastura, sa Barira Central Elementary School
iMINDSPH Handog ni Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura ang pitompu’t limang mga bagong armchairs sa Barira Central Elementary School. Layon ng provincial government na masuportahan ang pangangailangan ng mga mag-aaral tulad ng armchair. Binigyang-diin ni Governor Mastura ang kahalagahan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng kanyang administrasyon at ng lokal na pamahalaan, mga guro at mga magulang para sa iisang sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa lalawigan.


Cellphone technician, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad sa Lambayong, Sultan Kudarat; P241K halaga ng suspected shabu, nasamsam
iMINDSPH Himas rehas ang isang cellphone technician sa ikinasang buy-bust operation kung saan, nasamsam ang 241 thousand pesos na halaga ng suspected shabu. Alas 6:42 na gabi, araw ng Linggo, November 2 nang ikasa ng awtoridad ang buy-bust operation sa Barangay Didtaras ng bayan. Arestado sa operasyon ang suspek na kinilala sa alyas na “Jun-Jun”, 25-anyos. Bukod sa iligal na droga, nasamsam din ng awtoridad ang isang cellpone at motorsiklo. Ang naarestong indibidwal at nakuha


50-anyos na lalaki na Top 10 Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat
iMINDSPH Kalaboso ang isang limampung taong gulang na lalaki na Top 10 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act Inaresto ang suspek araw ng Linggo, November 2 sa Purok Pag-asa, Barangay Tinalon ng bayan. Ito ay sa bisa ng Warrant of Arrest. Kinilala ang suspek sa alyas na “Fred”. Dinala na sa Senator Ninoy Aquino MPS ang suspek para sa proper documentation at disposition.


Top 6 Most Wanted Person ng PNP PRO 11, na nahaharap sa kasong Statutory Rape, timbog
iMINDSPH Timbog din ng awtoridad ang Top 6 Most Wanted Person na nahaharap sa kasong Statutory Rape. Kinilala ang suspek sa alyas na “Meo”. Inaresto ito, araw ng Sabado, November 1 sa Barangay Mabunga ng bayan sa bisa ng Warrant of Arrest. Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.


Top 5 Most Wanted ng PNP PRO 11 na nahaharap sa kasong 3 counts ng statutory rape, inaresto ng awtoridad sa sementeryo ng Ulas
iMINDSPH Arestado ng awtoridad ang Top 5 Most Wanted sa lungsod na nahaharap sa kasong 3 counts of Statutory Rape. Inaresto ito sa sementeryo. Napasakamay ng mga tauhan ng PNP PRO 11 ang isang alyas “Jerson”. Inaresto ito, araw ng Linggo, November 2 sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng 11th Judicial Region, Branch 12, Davao City na may petsa na October 9, 2025. Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.


Lalaki na nahaharap sa kasong murder at Top 2 Most Wanted ng Davao del Norte, arestado
iMINDSPH Napasakamay ng awtoridad ang Top 2 Most Wanted Person ng rehiyon na nahaharap sa kasong murder. Kinilala ang suspek sa alyas na “Caloy”. Inaresto ito araw ng Sabado, November 1, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 34, Panabo City, Davao del Norte, na may petsa na December 27, 2013. Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso. Nasa kustodiya na ng Panabo City Police Office ang suspek para sa wastong disposis


Pahayag ng Office of the President na nagpapatibay at patuloy na pagiging lehitimo ng BTA bilang government body, malugod na tinanggap ni ICM Abdulraof Macacua
iMINDSPH Sa kanyang opisyal na pahayag, binigyang-diin ni Chief Minister Macacua na ang naturang hakbang ng pambansang pamahalaan ay nagtitiyak sa katatagan ng mga institusyon ng Bangsamoro, nagpapatuloy sa mga repormang sinimulan ng regional government, at nagsusulong ng kapayapaang matagal nang pinaghirapan ng mga mamamayan. Kaugnay nito, sinabi rin ng Punong Ministro na naihain na sa Bangsamoro Parliament ang Bangsamoro Parliamentary Districting Bill, isang mahalagang panu


Paggunita ng UNDAS 2025 sa BARMM, mapayapa at matiwasay ayon sa PNP PRO BAR
iMINDSPH Sa pangunguna ni PBGen Jaysen de Guzman, libu-libong pulis ang ipinakalat sa mga sementeryo, terminal, pangunahing lansangan, at iba pang pampublikong lugar upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan. Ipinagmalaki ng PRO BAR na naging matagumpay ang “Undas 2025” operations dahil sa aktibong pakikilahok ng mga local government units (LGUs), force multipliers, barangay officials, at mga boluntaryong sibiko na nakipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatil


8 dating kasapi ng komunistang terorista, sumuko sa 37th Infantry Battalion
iMINDSPH Pormal na nagbalik-loob sa pamahalaan ang walong dating mga kasapi ng Komunistang Terorista tanda ng kanilang tuluyang pagtalikod sa karahasan at armadong pakikibaka. Ayon kay Lt. Col. Christopherson Capuyan, Commanding Officer ng 37th Infantry Battalion, ang mga dating rebelde ay kusang sumuko sa kanilang himpilan sa Camp BGen Cesar Betita, Brgy. Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat. Kilala umano ang mga ito sa kanilang dating pagkakasangkot sa mga karahasan at terorismo 


P2.00-P2.10 na taas presyo sa produktong petrolyo, aasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis, bukas
iMINDSPH Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, bukas, November 4. Piso hanggang dalawang piso at sampung sentimo ang inaasahang itataas sa kada litro ng diesel, gasoline at kerosene. Kapit mga motorsita dahil muling magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis, epektibo, bukas. Piso at sitenta sentimo ang inaasahang itataas sa presyo ng kada litro ng gasoline, epektibo, bukas, November 4. Dalawang piso at sitenta sentimo ang itataas 
FOLLOW US
bottom of page





