Babaeng may standing warrant of arrest, nadakip sa Midsayap, Cotabato
- Teddy Borja
- 41 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang babae matapos maaresto sa ikinasang joint manhunt operation ng pulisya sa bayan ng Midsayap.
Kinilalang ang naaresto na si alyas “Karen”, 35 taong gulang, may asawa, self-employed at residente ng nasabing lugar.
Ang akusado ay may nakabinbing Warrant of Arrest para sa paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o Violation of Private Document, sa ilalim ng Criminal Case No. 11462-26, na may inirekomendang piyansa na tatlumpu’t anim na libong piso.
Ang akusado ay nasa kustodiya ng Midsayap Municipal Police Station habang hinihintay ang commitment order at isinasailalim sa booking procedures.



Comments