ANTI-CORRUPTION FORUM Isinagawa ng Multiply-Ed Philippines sa Cotabato City para palakasin ang boses ng kabataan at hikayatin ang kanilang aktibong partisipasyon sa usapin sa edukasyon at pamamahala
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dinaluhan ito ng mga piling estudyante mula sa iba’t ibang paaralan, lalo na sa BARMM region, kabilang ang Upi, Cotabato at Marawi. Karamihan sa mga kalahok ay mga senior high school students na sumailalim sa serye ng monitoring, konsultasyon, at presentasyon kasama ang mga opisyal ng gobyerno at education stakeholders.
Sa pamamagitan ng public consultation, binigyang-diin ang pangangailangang tukuyin ang mga isyung kinahaharap ng mga estudyante at maisulong ang mga polisiyang tutugon sa kanilang pangangailangan.
Tinatayang nasa 50 hanggang 60 estudyante ang kumakatawan sa iba’t ibang paaralang minonitor sa ilalim ng programa.
Isa sa mga dumalo si Gomersendo Carcueva Jr. mula sa Schools Division ng Cotabato na nagbahagi ng kahalagahan ng mental health support sa mga paaralan, lalo na sa papel ng guidance counselors sa paghubog ng kabataan.
Samantala, binigyang-diin naman ni Atty. Sittie Mae Pamanay ng MBHTE Marawi ang kahalagahan ng partisipasyon ng kabataan sa mga usaping direktang nakakaapekto sa kanila, kabilang ang Local School Board.
Ibinahagi rin ng MILG Marawi ang kanilang suporta sa pagsasama ng kabataan sa mga proseso ng pamahalaan, kabilang ang paglahok sa Local School Board at local development planning.
Labis naman ang pasasalamat ng isa sa mga youth participants na si Jas, na nagsabing mahalaga ang suporta ng mga duty bearers sa pagpapatuloy ng adbokasiya para sa malaya at dekalidad na edukasyon.



Comments