top of page

DRIVER, SUGATAN SA PAMAMARIL sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte—

Sugatan ang isang driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek. Kinilala ang biktima na si alyas "Abdul", 46 anyos, lalaki, may asawa, at residente ng Brgy. Nekitan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.


Sa imbestigasyon, sakay ng isang “payong-payong” na motorsiklo ang biktima kasama ang kanyang asawa, nang sila ay sinundan umano ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo saka pinagbabril ng mga suspek ang biktima.


Narekober sa crime scene ang isang fired cartridge case, isang dud bullet, at limang live ammunition na nasa loob ng magazine.


Agad na isinugod ng mga concerned citizen ang biktima sa Cotabato Sanitarium and General Hospital para sa gamutan.


Nagsagawa ng hot pursuit operation ang Sultan Kudarat MPS laban sa mga suspek at humingi ng tulong sa Scene of the Crime Operatives o SOCO para sa pagproseso ng pinangyarihan ng insidente.


Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa insidente.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page