2 FOREIGN NATIONALS, ARESTADO sa joint counterterrorism operation ng PNP sa Marawi City
- 19 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ang dalawang lalaking foreign nationals ay 22-anyos mula Tajikistan.
Isinagawa ang operasyon bilang pagpapatupad ng Bureau of Immigration mission order laban sa mga undesirable aliens.
Sa isinagawang operasyon, naaresto ang dalawang suspek sa loob ng kanilang nirentahang silid sa Brgy. Lomidong, Marawi City.
Ang mga naarestong foreign nationals ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bureau of Immigration para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba mula sa PNP Special Action Force kabilang ang 45th Special Action Company, 4th Special Action Battalion, at 85th Special Action Company, katuwang ang Marawi City Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Lanao del Sur PPO, Regional Mobile Force Battalion 14, CIDG RFU 15, RIU 15 ng Intelligence Group, Bureau of Immigration, at 103rd Brigade ng 1st Infantry Division ng Philippine Army.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang posibleng kaugnayan ng mga suspek sa anumang banta sa seguridad sa lugar.



Comments