top of page

Lalaking nahaharap sa mahigit 200 kasong kriminal, nadakip ng pulisya sa Allacapan, Cagayan

  • Teddy Borja
  • 18 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ang isang high-profile suspect na nahaharap sa mahigit dalawang daang kasong kriminal matapos maaresto ng Philippine National Police.


Ang suspek ay 67-anyos, may asawa, at residente ng Barangay Binubungan, Allacapan, Cagayan.


Nahaharap ang suspek sa 105 counts ng Qualified Rape, 105 counts ng Sexual Assault, at tatlong bilang ng Acts of Lasciviousness.


Ang Warrant of Arrest na inisyu noong February 3, 2026 ng Regional Trial Court Branch 33 sa Ballesteros, Cagayan.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Allacapan Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon ng korte.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page