top of page

Provincial Government ng Basilan, patuloy ang suporta sa madaris sector lalo na sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga nagtapos ng Islamic Education

  • Diane Hora
  • 18 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Masayang nakibahagi si Gov. Mujiv Hataman sa ika-50 Commencement Exercises ng Ma’had Sumisip Al-Arabie Al-Islamie, isang selebrasyon ayon sa gobernador na hindi lang ng pagtatapos kundi ng tiyaga, disiplina at pananampalataya ng mga kabataang nagsipagtapos.


Para sa pamahalaang panlalawigan, malinaw na investment ito sa mga kabataang handang mag-ambag sa kapayapaan at pag-unlad ng lalawigan.


Patuloy ang suporta ng probinsya sa mga Madaris sector, lalo na sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa Madrasah finishers o mga kabataang hinubog hindi lang sa akademya kundi pati sa values at responsibilidad sa komunidad na ayon sa pamahalaang panlalawigan ay may direktang epekto sa mas matatag at mas nagkakaisang Basilan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page