MTIT-BARMM,pinaghahandaan ang ramadhan; Price watch at consumer protection, pinaiigting
- Diane Hora
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa Ministry of Trade, Investments and Tourism - BARMM, layon ng pulong na i-synchronize ang mga tungkulin ng iba’t ibang ministries at ahensya, tiyakin ang maayos na price enforcement, at tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Pinangunahan ang pagpupulong ni Hamida Yacob, Chief ng Trade Regulation and Consumer Protection Division ng MTIT, kasama ang mga kinatawan ng mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan ng Bangsamoro.
Sa pulong, tinalakay ang kasalukuyang price monitoring reports, mga hamon sa supply at distribution, at ang pangangailangan ng magkakaugnay na polisiya upang maiwasan ang profiteering, hoarding, at iba pang unfair trade practices—lalo na sa panahon ng Ramadhan kung kailan mas mataas ang konsumo ng mga pamilya.
Sinabi ng MTIT-BARMM na sa pamamagitan ng iisang direksyon at malinaw na koordinasyon, layunin ng Bangsamoro Government na mapanatili ang price stability at maprotektahan ang mga consumer, habang tinitiyak na nananatiling patas at maayos ang kalakalan sa buong rehiyon.
Dagdag pa ng ahensya, ang maagang paghahanda ay mahalaga upang masigurong ang banal na buwan ng Ramadhan ay hindi magiging pabigat sa bulsa ng mga mamamayan, kundi isang panahon ng kapanatagan, disiplina sa merkado, at malasakit sa kapwa.



Comments