Suspek sa ilegal na pagmamay-ari ng baril, nadakip sa Digos City
- Teddy Borja
- 18 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang lalaki sa ikinasang joint police operation laban sa iligal possesion of firearms.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Kurt”, 35 taong gulang at residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant No. 25-2025. Nakumpiska sa suspek ang isang unit ng caliber .38 revolver na walang serial number, at mga live ammunition.
Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Digos City Police Station para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.



Comments