top of page

M16 rifle at iba pang armas, narekober sa search warrant operation sa Lamitan City, Basilan

  • Teddy Borja
  • 1 hour ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasamsam ng pulisya ang isang high-powered firearm at mga bala sa ikinasang search warrant operation sa lungsod ng Lamitan.


Nasamsam ng awtoridad ang isang Bushmaster M4-type M16 rifle, 131 na bala ng caliber 5.56, at isang caliber .22 revolver.


Bukod dito, nakumpiska rin ng mga awtoridad ang apat na kahon ng disposable electronic vapes matapos mapag-alamang walang kaukulang permit ang suspek para magbenta o mag-distribute ng nasabing produkto.


Ang naarestong indibidwal ay isang negosyante at residente ng Barangay Balas, Lamitan City. Dinala na ito sa kustodiya ng CIDG Basilan Provincial Field Unit kasama ang mga nasamsam na ebidensya para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page