Cash for Work at Unlad Pamilyang Bangsamoro Program beneficiaries sa Sulu, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa MSSD
- Diane Hora
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Noong Pebrero 2, 34 na benepisyaryo ng Cash for Work program ng MSSD sa Pandami, Sulu ang tumanggap ng kanilang sahod matapos makumpleto ang 20 araw na pagtatrabaho.
Bago ang aktuwal na implementasyon, nagsagawa ng orientation ang MSSD katuwang ang Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE) hinggil sa mangrove planting, kung saan ipinaliwanag din ang mga proseso at layunin ng programa.
Ayon sa MSSD ng Cash for Work program na makapagbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa pamamagitan ng mga community-based projects kapalit ng cash assistance, na makatutulong ayon pa sa ministry sa pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryo habang aktibong nakikibahagi sa pagpapaunlad ng kanilang sariling pamayanan.
Samantala, noong Pebrero 4 hanggang 5, isinagawa naman ang scale-up training para sa mga 20 benepisyaryo ng Unlad Program. Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at higit pang patibayin ang kasanayan ng mga benepisyaryo sa pagpapalago at pagpapanatili ng kanilang mga kabuhayan.
Kabilang sa mga paksang tinalakay sa pagsasanay ang marketing strategies, agricultural production, at aquaculture partikular ang seaweed farming, gayundin ang mga kaukulang safety protocols. Matapos ang pagsasanay, tumanggap ang mga benepisyaryo ng karagdagang puhunan na nagkakahalaga ng PHP20,000.



Comments