12 sa 77 miyembro ng RMFB-14B, kakasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018 kasunod ng marahas na reception rites sa Lamitan City, Basilan; 56 mula sa 129 pulis na sumailalim sa reception rites an
- Diane Hora
- 6 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kasunod ng pagsibak sa pwesto ng pitumpu’t miyembro ng Regional Mobile Force Battalion-14B, labindalawa sa mga ito ang makakasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018 ayon kay PNP PRO BAR Spokesperson, Police Captain Steffi Salanguit.
Isinailalim sa kustodiya ng Basilan Provincial Police Office ang mga concerned personnel kaugnay sa hazing habang nasa RMFB-14B naman ang mga pulis na sumailalim sa reception rites.
Naganap ang marahas na reception rites noong February 5, 2026.
Ayon sa PNP PRO BAR, agad nagtungo sa Lamitan City, Basilan si PNP PRO BAR Regional Director Jaysen De Guzman nang matanggap ang report.
Dagdag ng tagagpasalita ng PNP PRO BAR, normal ang reception rites, pero hindi aniya normal ang nangyaring pang aabuso.
Sa 129 police personnel na sumailalim sa reception rites, 23 dito ang mga babae at 106 ang mga lalaki.



Comments