BARMM government, hatid ang PWD kits, kitchenwares at mga gamot sa mga nasunugan sa Lamion, Bongao, Tawi-Tawi
- Diane Hora
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pangunguna ng Project TABANG, katuwang ang Ministry of Social Services and Development (MSSD), BARMM READi, at Ministry of Health (MOH), agarang naghatid ng tulong ang BARMM government sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang sunog sa Barangay Lamion, bayan ng Bongao, Tawi-Tawi, ngayong araw ng Lunes, a-9 ng Pebrero 2026.
Kabilang sa mga ipinamahaging tulong ang PWD kits na may mga tuwalya, kumot at banig, gayundin ang kitchenware sets at mga gamot, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga nasalanta.



Comments