top of page

IAG-led dialogue sa pagitan ng mga lider ng CSO at kinatawan ng CSAT, isinagawa para mas malinaw na maunawaan ang mga pagbabago ng batas at sistema kaugnay sa unang Bangsamoro Parliamentary Elections

  • Diane Hora
  • 17 hours ago
  • 2 min read

iMINDSPH



Ang forum ay inorganisa ng Institute for Autonomy and Governance o IAG. Ipinaliwanag din sa pulong kung paano binago ng mga desisyon ng Korte Suprema, mga isyu sa redistricting, at mga amyenda sa Bangsamoro Electoral Code ang direksyon at iskedyul ng transition patungo sa halalan. Nagharap sa isang dayalogo ang mga lider ng civil society at kinatawan ng Coalition for Social Accountability and Transparency o CSAT mula sa iba’t ibang bahagi ng BARMM at Sulu para mas malinaw na maunawaan ang mga pagbabago sa batas at sistema kaugnay ng unang Bangsamoro parliamentary elections.


Ang forum ay pinangunahan ng Institute for Autonomy and Governance o IAG.


Sa talakayan, ipinaliwanag ni IAG Executive Director Atty. Benedicto Bacani, kung paano binago ng mga desisyon ng Korte Suprema, mga isyu sa redistricting, at mga amyenda sa Bangsamoro Electoral Code ang direksyon at iskedyul ng transition patungo sa halalan.


Isa-isang binalikan ng mga kalahok ang mahahalagang pangyayari—mula sa pagkakaalis ng Sulu sa BARMM noong Setyembre 2024, ang pagbasura sa redistricting laws noong Setyembre 2025, hanggang sa pagpasa ng bagong redistricting bill noong Enero 12, 2026. Ang mga pagbabagong ito ang naglatag ng daan sa panukalang petsa ng halalan sa Setyembre 14, 2026, na kasalukuyang tinatalakay sa Kongreso.


Tinalakay rin sa dayalogo ang bagong sistema ng sectoral representation sa Bangsamoro Parliament. Kabilang dito ang direct voting para sa ilang sektor, ang pagpapatuloy ng assembly-based selection para sa iba, at ang mas malinaw at mas pinalakas na probisyon para sa partisipasyon ng kababaihan. Nanguna naman sa pagtalakay sa usapin ng pagka antala at binagong timeline ng parliamentary elections sina MILF Implementing Panel Chair at kasalukuyang Member of Parliament Mohagher Iqbal, at Bangsamoro Planning and Development Authority Director General Mohajirin Ali,


Ibinahagi rin ng mga ito ang posisyon ng MILF na itulak ang halalan sa lalong madaling panahon, mga update mula sa Implementing Panel meetings, mga concerns sa edukasyon, progreso ng amnesty program at camp transformation and development, ang block grant, ang usapin ng Sulu, at ang mga reaksyon sa mga amyenda sa Bangsamoro Electoral Code.


Ayon sa mga kalahok, naging mahalagang pagkakataon ito para sa civil society na makapagmuni, magtanong, at bumuo ng pagkakaisa sa mga pangunahing paninindigan kaugnay ng kinabukasan ng Bangsamoro transition.


Ang dayalogong ito ay bahagi ng political dialogue program ng IAG, na isinagawa sa tulong ng Australia in the Philippines, bilang suporta sa pagsusulong ng malinaw, inklusibo, at kredibleng demokratikong proseso sa Bangsamoro region.




 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page