top of page

VP Sara Duterte, personal na nagpaabot ng pakikiramay at suporta sa pamilya ng mga nasawing pasahero lulan ng MV Trisha Kerstin 3

  • Diane Hora
  • 24 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagtungo sa Jolo, Sulu ngayong araw si Vice President Sara Duterte at personal na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi matapos ang trahedyang sinapit ng barkong MV Trisha Kerstin 3 na lumubog malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan.


Dumiretso ang Vice President sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Barangay Walled City sa parehong bayan at nagpasalamat sa kaligtasan ng daan-daang survivors.


Ipinagdasal ng Bise Presidents ang katatagan ng mga pamilyang apektado sa trahedya, maging ang kaligtasan ng bawat indibidwal sa likod ng patuloy na paghahanap sa mga nawawalang pasahero.


Matapos ang pagbisita sa Jolo Sulu agad tumulak sa Zamboanga City ang opisyal at nakipag usap at nagpaabot ng pakikiramay at suporta sa pamilya ng mga nasawing pasahero lulan ng MV Trisha Kerstin 3.


Personal din nating kinamusta ang kalagayan ng mga survivors kabilang na ang dalawang sundalo na patuloy pang nagpapagaling sa ospital.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page