top of page

1,341 residente ng Kauran, benepisyaryo sa libreng serbisyong pangkalusugan ng provincial government ng Maguindanao del Sur

  • Diane Hora
  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinungo ng medical team ng Maguindanao del Sur Provincial Government ang Kauran sa bayan ng Ampatuan.



Hatid ang libreng Konsultasyong medikal sa 481 na residente kung saan 374 dito ay matatanda at 99 naman ang mga bata. Kasabay din nito ang pamamahagi ng libreng gamot.



62 residente ang nakapagpabunot ng ngipin, 150 ang nabigyan ng libreng eye glasses, 38 ang nakapagpatuli at nakabenepisyo sa Feeding Program 402 ng mga residente.



Isinagawa ang medical mission January 14 na isa sa mga patuloy na itinataguyod na programa ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu katuwang si Mayor Rasul Sangki at mga opisyal ng probinsya at bayan.



Parehong tulong din ang hatid ng provincial government sa Barangay Kamasi ng bayan araw naman ng Miyerkules, January 15.



Na dinagdagan pa ng Health check-ups tulad ng blood pressure


Pagbibigay-kaalaman tungkol sa tamang kalusugan at nutrisyon


At Libreng salamin sa mata


Naging posible ang aktibidad sa tulong at dedikasyon ng mga doktor, nurse, dentista, at mga volunteer.


Ayon sa gobernador ang pagkakaisa ay nagbibigay-inspirasyon para ipagpatuloy ang ganitong uri ng serbisyo. Huwag aniyang kalimutang alagaan ang kalusugan at patuloy na magtulungan bilang isang komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page