1 babae at 1 lalaki na suspected drug peddlers, arestado sa Bucana, Davao City; Php 233,900 halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyon!
- Teddy Borja
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang babae at isang lalaking construction worker na suspected drug peddlers sa ikinasang buy-bust operation.
Kalaboso ang 26-anyos na construction worker at isang 23-anyos na si alyas "Reynaliza" sa buy-bust operation ng otoridad ala 1:35 ng madaling araw, 14 ng Enero.
Ang dalawa ay residente ng Purok 18-B, Vilosa Street, Kasilak, Barangay 76-A ng lungsod.
Nasamsam sa operasyon ang 233,900 pesos na halaga ng suspected shabu na inilunsad ng PDEA 11, Davao City Police Office at Ecoland Police Station Drug Enforcement Unit.
Sinabi ni PCol. Hansel Marantan, Acting City Director ng DCPO, magpapatuloy ang kanilang pinalalakas na kampanya kontra iligal na droga sa syudad.
Kommentare