top of page

1 SASAKYAN LAMANG BAWAT KANDIDATO NA MAGHAHAIN NG COC PARA SA BARMM PARLIAMENTARY ELECTION ANG PINAHINTULUTAN NG OTORIDAD NA MAKAPASOK SA BGC

  • Diane Hora
  • Nov 4, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Mahigpit ang seguridad sa loob at labas ng Bangsamoro Government Center o BGC madaling araw pa lamang kanina.


Bantay sarado ng pulis at Philippine Marines ang loob at labas ng BGC simula ngayong unang araw ng paghahain ng COC ng mga kandidato para sa 2025 BARMM Parliamentary election, hanggang sa huling araw ng filing sa November 9.


Masusing ininspeksyon ang lahat ng papasok sa loob ng compound.


Ipinagbawal ng otoridad ang pagpasok ng mga supporters at convoy ng mga kandidato sa loob ng Bangsamoro Government Center at ang pagdadala ng armas. Isang sasakyan lamang bawat kandidato ang pinahihintulutan ng otoridad.


Ipinatutupad din simula ngayong araw hanggang sa a-8 ng Nobyembre ang pansamantalang pagpapasara sa Governor Gutierrez Avenue mula alas 4 ng umaga hanggang ala 6 ng gabi, gayundin ang rerouting ng mga tutungo sa ND Village at palabas sa lugar.


Sa back gate ng BGC naman pinadadaan ang mga emepleyado at pribadong sasakyan.


Sa tanggapan ng Bangsamoro Electoral Office naghahain ng Certificate of Nomination ang mga regional political parties sa BARMM.


Sa tanggapan naman ng Provincial Election Supervisor maghahain ng COC ang mga kakandidato sa posisyon na Parliamentary District Representative.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page