100 core shelters, opisyal nang itinurn over ng BARMM Government sa benepisyaryo ng proyekto sa Mati, Davao Oriental sa ilalim ng KAPYANAN PROGRAM
- Diane Hora
- 17 hours ago
- 1 min read
IMINDSPH

May bago ng bahay ang isang daang Bangsamoro na benepisyaryo ng 100 core shelter project ng Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN Program ng Bangsamoro Government sa Sitio Butuasan, Barangay Dahican, Mati City, Davao Oriental.

Ito’y matapos pormal na itinurn over ng programa ang core shelter na mayroong solar-powered light at water system, araw ng Sabado, June 21.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Assistant Senior Minister and Concurrent Project Manager Abdullah Cusain.
Ang KAPYANAN Program ang isa sa mga flagship programs ng Office of the Chief Minister, na dinisenyo para tugunan ang pangangailangan ng Bangsamoro communities.
Comments