iMINDSPH
Nagkaputukan ang grupo ni Commander Engr. Alonto Sultan, miyembro ng 108th at 105th Base Command ng BIAF-MILF at grupo ni Abdul Latip o mas kilala sa tawag na Ikot Akmad Dandua, miyembro ng 129 Base Command ng BIAF-MILF, ala 1:10 kahapon ng hapon sa Sitio Gagadanan, Kilangan, Pagalungan, Maguindanao del Sur.
Ito ang kumpirmasyon ng Pagalungan Municipal Police sa iMINDS Philippines.
Ayon sa otoriad, bago ang palitan ng putok, nagharap umano ang dalawang grupo umaga ng Miyerkules upang pag usapan ang hindi pagkakaunawaan hinggil sa lupa.
Pero makalipas ang ilang oras ay umanglingawngaw na ang mga putok ng baril ayon sa otoridad.
Sa rekord ng Pagalungan MPS labing isa ang nasawi at lima ang sugatan sa bakbakan ng dalawang grupo.
Comments