top of page

2,149 police personnel mula sa PNP PRO BAR Headquarters, city at provincial offices, bumoto na sa isinagawang local absentee voting ng COMELEC

  • Teddy Borja
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Bumoto na ang 2,149 authorized at approved applicants mula sa iba’t ibang police units ng PNP PRO BAR sa isinagawang local absentee voting araw ng Lunes at Martes, April 28 hanggang April 29.


Isinagawa ito sa Multi-Purpose Center sa loob ng Camp BGen Salipada K Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.


Pinuri naman ni PNP PRO BAR Regional Director Romeo Macapaz ang matagumpay na local absentee voting at binigyang diin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga pulis sa pakikilahok sa demokrasya.


Ang early voting process ay alinsunod sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10958, na nagsasaad ng pagsasagawa ng Local Absentee Voting para sa 2025 National and Local Elections.

 
 
 

留言

評等為 0(最高為 5 顆星)。
暫無評等

新增評等

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page