top of page

2 driver, arestado sa ikinasang buy-bust operation ng Cotabato City Police Office

iMINDSPH



Arestado ng Cotabato City Police ang dalawang driver sa ikinasang buy-bust operation sa Purok Shariff, Rosary Heights 10.



Kinilala ang suspek na si alyas “Lens” isang payong-payong driver at alyas “Motong”, isang habal-habal driver.


Hinuli ang mga ito matapos positibong mabilhan ng pulis na nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga suspek ng dalawang plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang Methamphetamine Hydrochloride o ‘shabu’ na tumitimbang ng mahigit kumulang 0.5 gramo at may Standard Drug Price na P3,400.00.


Nagtangka namang tumakas ang kasama nito nang mapansing pulis ang kanilang ka transaksyon.


Habang isinasagawa naman ang search ng otoridad sa pagkakahuli ng mga ito, narekober ng otoridad mula sa isa dalawang suspek ang buy-bust money, tatlo pang sachets ng pinaniniwalaang shabu na may Standard Drug Price na P40,800.00.


Inihahanda na ng otoridad ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga naaresto.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page