top of page

2 lalaki, arestado sa joint AFP-PNP checkpoint sa Lumbaca Unayan, Lanao del Sur matapos marekober ng otoridad sa isinagawang body search ang 10 sachet ng hinihinalang shabu

  • Teddy Borja
  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ang joint AFP-PNP checkpoint operation alas 10:00 ng gabi, noong Abril a-25, 2025 sa harap ng CAA Detachment sa Barangay Proper Beta, sa bayan ng Lumbaca Unayan.


Ayon sa otoridad, nang hingan ng pagkakakilanlan, binuksan ng driver ang kanyang bag, at napansin ng mga checkpoint personnel ang isang plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu.


Sa isinagawang body search, narekober ng mga awtoridad ang sampung heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa 1.0 gramo ang bigat na nagkakahalaga ng Php 6,800.00.


Narekober din ang dalawang mobile phone, isang disposable lighter, isang improvised tooter, bag, pitaka na naglalaman ng Php 3,000 at motorsiklo na ginamit ng suspek


Agad dinala sa Lumbaca Unayan MPS ang mga naaresto para sa booking at dokumentasyon.


Haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page