top of page

2 lalaki, kabilang na ang isang payong-payong driver, arestado sa buy-bust operation sa Cotabato City

  • Teddy Borja
  • 6 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Oker", balo, 35 taong gulang, walang trabaho at ang payong-payong driver na si alyas “Gila”, pawang mga residente ng Purok Ayunan Mother Barangay Kalanganan.


Ayon sa report, positibo umanong nabilhan ng hinihinalang shabu ang mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.


Ang ilegal na droga ayon sa report ay tumitimbang ng 0.1 gramo.


Narekober mula sa aktwal na possession at control ng isa sa mga suspek ang isang pirasong one thousand-peso bill na buy-bust money sa operasyon.


Nasa kustodiya na ng Police Station 4 ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensiya.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page