2 magsasaka, patay; 1 estudyante, sugatan matapos maipit sa bakbakan sa pagitan ng 2 armadong grupo sa Carmen, Cotabato
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagkaputukan ang grupo ni Kumander Macmod ng 108 Base Command ng MILF at isa pang armadong grupo, ala 6 ng umaga, araw ng Martes, April 29, ayon sa report ng otoridad.

Nangyari ang gulo sa Sitio Rihab, Nigabang, Purok 6, Barangay Tunganon, Carmen, Cotabato.

Nasawi ang isang Landro Ananyan Garcia, 50-anyos at Ryan Capilitan Cabuylo, 24 years old, pawang magsasaka at pawang residente ng Barangay Tunganon.

Sugatan naman ang isang 16-anyos na estudyante na si Kyle Capilitan Cabuylo.
Binisita umano ng mga biktima ang kanilang sakahan nang mangyari ang insidente.
Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala mula sa caliber 7.52 at limang basyo mula sa caliber 5.56.
Tinutugis na ng otoridad ang mga suspek na tukoy na rin ang pagkakakilanlan.
Comments