top of page

2 panukalang batas hinggil sa apportionment ng 7 parliamentary districts at reconstitution ng parliamentary districts, umabante na sa second reading ng BTA

  • Diane Hora
  • 9 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Nakapaloob sa Parliament Bill No. 347 ang reapportionment ng 7 district seats na dati ay laan para sa lalawigan ng Sulu.


Isinusulong ng panukala ang pag-amyenda sa section 4 ng Bangsamoro Autonomy Act No. 58.


Sa ilalim ng PB No. 347 mula sa 4,994,800 na populasyon ng BARMM, ngayon ay 3,994,692 na lamang ito kasunod ng hindi na pagkakabilang ng Sulu sa BARMM.


Mula sa nabanggit na populasyon ng rehiyon, mula sa 3 seats na laan sa lalawigan ng Basilan, magiging 4 na ito base sa isinasaad sa proposed bill.


Ang dating walong district seats ng Lanao del Sur ay magiging 10 sa isinusulong na legislation. Tig 5 naman ang Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte mula sa dating tig 4 na district seats.


Sa proposed measure, magiging 4 na ang district seats ng Tawi-Tawi mula sa dating 3, habang magiging 3 naman ang district seats ng Cotabato City mula sa dating 2 at nananatili sa isa ang district seats ng SGA.


Principal authors ng panukalang batas sina MP Baintan Ampatuan, Rasul Ismael, Jaafar Apollo Mikhail Matalam, Khalid Hadji Abdullah, Sittie Fahanie Uy-Oyod, Michael Midtimbang, Tawakal Midtimbang, Jose Lorena, at Ishak Mastura


Co-authors naman sina MPs Susana Anayatin, Mohammad Yacob, Haron Abas, Akmad Abas, Ali Salik, Basit Abbas, Froilyn Mendoza, Tomanda Antok, at Abrar Hataman


Umabante na rin sa second reading ang Parliament Bill No. 351 o ang reconstitution ng parliamentary districts sa Bangsamoro Autonomous Region.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page