20 anyos na lalaki, arestado sa kasong rape sa Joint Intel-driven operation sa Libungan, Cotabato Province
- Teddy Borja
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang 20-anyos na wanted person sa kasong rape sa isinagawang Joint Intel-driven operasyon sa Libungan, Cotabato Province.
Kulong si alyas “Tito Buchoy” matapos arestuhin sa Purok 1, Barangay Montay, Libungan, Cotabato Province alas 2:55 ng hapon, araw ng Miyerkules, January 15.
Wanted ang suspek sa kasong rape at may Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 14.
Nakapiit ang suspek sa Police Station 2, Cotabato City.
Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Libungan Municipal Police, PIU Maguindanao del Norte kasama ang mga elemento ng Police Station 2, Cotabato City at iba pang law enforcement unit.
Comments