top of page

20-anyos na lalaki sa General Santos City na kabilang sa Top 10 Most Wanted ng syudad, arestado dahil sa kasong robbery with homicide

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ang isang 20-anyos na lalaki na kabilang sa Top 10 Most Wanted ng lungsod sa kasong robbery with homicide.


Ang suspek na kinilalang si alyas “Bert” ay nahuli sa Barangay Lagao, General Santos City alas 11:30 ng umaga, a-23 ng Mayo.


Ito ay sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 37 noong Marso 13, 2025.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.


Hawak na ng awtoridad ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page