22-anyos na lalaki, timbog sa kasong rape sa Antipas, Cotabato; Suspek, kabilang sa listahan ng Top 6 Most Wanted Person ng Cotabato Provincial Police Office
- Teddy Borja
- 8 hours ago
- 1 min read
IMINDSPH

Sa Cotabato Province pa rin-
Arestado ang isang 22-anyos na lalaki sa bayan ng Antipas na nahaharap sa kasong rape.
Kulong ang suspek na si alyas "Dav", residente ng Purok 2, Barangay Cadungon, Antipas, Cotabato.
Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 2 counts ng Qualified Rape, araw ng Martes, June 24.
Ang nasabing suspek ay sumailalim sa pisikal at medikal na pagsusuri sa Arakan Valley District Hospital bago dinala sa Antipas MPS para sa booking, dokumentasyon, at tamang disposisyon.
Comentarios