27-anyos na magsasaka sa Arakan, Cotabato, arestado ng awtoridad sa kasong rape; Suspek, kabilang sa listahan ng Top 5 Most Wanted Person ng Cotabato Provincial Police Office
- Teddy Borja
- 6 hours ago
- 1 min read
IMINDSPH

Sa Arakan, Cotabato-
Napasakamay ng awtoridad ang isang magsasaka na nahaharap sa kasong rape.
Ang suspek ay kabilang sa listahan ng Top 5 Most Wanted ng Cotabato Provincial Police Office.
Kinilala ang naarestong indibidwal na si alyas "Ric", 27 taong gulang, binata, at residente ng Sitio Maragpak, Barangay Salasang, Arakan, Cotabato.
Inaresto ito araw ng Lunes, June 23.
Dinakip ang suspek sa mismong tirahan nito sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong 3 counts ng Qualified Rape.
Nasa kustodiya na ng Arakan MPS ang nasabing suspek at sumailalim sa medical examination at standard booking procedures.
Comentarios