iMINDSPH

Kalaboso ang isang alyas “Rodel” 49-anyos, alyas “Ryan” at alyas “Potchie” sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA Maguindanao Provincial Office sa Purok Shariff, Malagapas, Rosary Heights 10, Cotabato City, a-26 ng Oktubre.

Nakumpiska sa operasyon ang labingwalo na sachets ng mahigit kumulang 22 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 149,600 pesos, buy-bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.
Sinira rin ng otoridad ang drug den sa lugar.
Nakapiit sa PDEA Jail facility ang mga naaresto habang hinihintay ang inquest proceedings sa kasong paglabag sa RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Katuwang ng PDEA Maguindanao Provincial Office ang Maguindanao Maritime Police Station, Regional Drug Enforcement Unit, Regional Drug Enforcement Unit, at Cotabato City Police Office-Police Station 2.
Comments