top of page

3 lalaki sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, inaresto sa kasong robbery with rape

  • Teddy Borja
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Timbog ang isang alyas “Ronron” 25 years old, alyas “Jomar” 32 years old, at isang alyas “Hamdam”, 32 years old.


Inaresto ang tatlo sa kasong robbery with rape.


Sa imbestigasyon ng Sultan Kudarat Municipal Police, alas 12 ng tanghali nang dinukot ng mga suspek ang isang alyas “Marie” sa labas ng bahay ng biktima.


Dinala umano ng mga suspek sa tagong lugar ang biktima at pwersahang kinuha ang kanyang cellphone. Ayon sa report, ginahasa rin umano ng mga suspek ang biktima.


Dumulog ang pamilya ng biktima sa otoridad kasama ang isang BPAT member.


Ayon sa Sultan Kudarat MPS, tinutukan umano ni alyas “Hamdan” ng baril ang biktima habang bolo naman ang itinutok umano ng alyas “Ronron”


Sinampahan na ng kasong robbery with rape ang mga suspek na nakakulong ngayon sa Sultan Kudarat MPS Custodial Facility.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page