iMINDSPH

Isa sa pinaka-aabangan sa South Cotabato ang Most Outstanding Indigenous Peoples Model Family.

Ngayong taon, tatlong pamilyang IP ang napili ng provincial government bilang model family.

Ito ay si Mr. Ernesto at Mrs. Anding Panding ng Lake Sebu na tumanggap ng 50,000 pesos.

Inuwi rin ng mga ito ang 2024 IP Model Family Facebook Video Contest at tumanggap ng dagdag na ₱8,000
1st Runner-up naman si Mr. Jaime and Mrs. Bonita Dani ng bayan ng T’boli na tumanggap ng ₱30,000 at 2nd Runner-up si Mr. Deonie and Mrs. Elvicia Salinda ng bayan ng Polomolok na tumanggap ₱20,000.
Lahat ng non-winning nominees ay tumanggap ng ₱10,000 bilang Consolation Prize.
Ito na ang ika-siyam na taon na programa ng pamahalaang panlalawigan na kumikilala sa Indigenous families sa kanilang remarkable contributions sa family welfare, cultural preservation, at community development.
Comments