300 SAKO NG TIG-10KG NG BIGAS AT 150 FOOD PACKS, IPINAMAHAGI NG ALAB SA ILALIM NG PROJECT TABANG SA MGA BINAHANG RESIDENTE NG KAPINPILAN, SULTAN KUDARAT, MDN
- Diane Hora
- Nov 4, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Tatlong daang sako ng tig 10 kilos ng bigas at 150 food packs ang ipinamahagi ng Project TABANG sa mga binahang residente ng Kapinpilang, Sultan Kudarat.

Isinagawa ang distribusyon araw ng Biyernes, November 1 na pinangunahan ng Rapid Reaction Team (RRT) at ng Humanitarian Response and Services ng Project Management Office (PMO).

Ito ay mula sa Alay sa Bangsamoro (ALAB) Program ng opisina ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, sa pamamagitan ng Project TABANG.

Ang ALAB program ng Humanitarian Response and Services ng PMO ay naglalayong mamahagi ng mga ayuda at tulong para sa bawat mamamayan at komunidad na apektado ng kalamidad, karahasan, at sa may mga kakulangan sa pang-araw-araw ng pangangailangan.


Comments