35-anyos na lalaki na wanted sa kasong rape, sumuko sa Barira Municipal Police Station
- Teddy Borja
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Sumuko sa Barira Municipal Police Station ang isang 35-anyos na lalaki na wanted sa kasong rape.
Kasama ng suspek ang kanyang abugado nang sumuko ito sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Barira, alas 4:35 ng hapon, a-11 ng Enero.
May warrant of arrest ang suspek kaugnay sa kaso na inisyu ni Judge Kasan Abdulrakman ng Regional Trial Court Branch 14, Cotabato City na may petsa na October 4, 2024.
Nasa kustodiya ng Barira Municipal Police ang suspek para sa legal disposition.
Comments