top of page

40 matataas na kalibre ng armas mula sa 6 na bayan sa Maguindanao del Sur, isinuko sa militar

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Kabilang sa mga isinukong armas ay pitong M14 7.62mm rifle, anim na M16 5.56mm rifle, limang Garand Cal. 30 rifle, dalawang Ultimax 5.56mm rifle, dalawang Bushmaster 5.56mm rifle, dalawang Carbine 5.56mm M4 rifle at dalawang improvised M79.



Samantala, may tig-iisang isinukong improvised Garand Cal. 30 rifle, Carbine, Carbine Sniper Rifle, improvised Carbine Rifle, M4 5.56mm rifle, M653 5.56mm rifle, HMG Cal. 50 Barret (2 regular at 1 improvised), 57RR, 60mm Mortar, M203 Grenade Launcher, SMG Uzi, at improvised 12-Gauge Shotgun.



Mismong si 601st Brigade Commander, Brig. Gen. Edgar Catu, ang nagpresinta ng mga armas kay Lt. Gen. Antonio Nafarrete, Commander ng Western Mindanao Command at Maj. Gen. Donald Gumiran, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division.


Dumalo sa aktibidad at pormal na nagpresenta sa mga isinukong baril sina Mayor Edris Sindatok ng Datu Saudi Ampatuan; Mayor Akmad "Mitra" Ampatuan ng Shariff Aguak; Mayor Akmad "Butch" Ampatuan Jr., ng Mamasapano; Mayor Allandatu Angas ng Sultan sa Barongis; Mayor Baileah Sangki ng Ampatuan at Mayor Zuharto Al Wali S. Mangudadatu ng Datu Abdullah Sangki.


Sa isinagawang press conference, iginiit naman ni Maj. Gen. Gumiran na tuloy-tuloy ang gagawin nilang kampanya upang mabawasan ang mga loose firearms sa kamay ng mga taong hindi awtorisadong may hawak nito.



Ayon sa heneral, naging epektibo ang nasabing programa sa pagsawata ng mga krimen sa tulong ng Small Arms and Light Weapons management program.


Nagpahayag din ng kanyang suporta si Lt. Gen. Nafarrete at binigyang importansya ang pagsugpo sa anya'y kagamitan sa karahasan.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page