41-anyos na magsasaka, arestado matapos makuhanan ng ililga na droga sa COMELEC checkpoint sa Blensong, Upi, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Inaresto ang 41-anyos na mag-sasaka matapos makuhanan ng iligal na droga sa COMELEC checkpoint sa Blensong, Upi, Maguindanao del Norte.
Nahuli ang suspek, alas 10:20 ng gabi, 14 ng Enero.
Pinigil ito ng otoridad habang minamaneho ang kanyang motorsiklo.
Nang ininspeksyon, nakita sa kanyang sling bag ang 0.8 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 5,540 pesos.
Agad dinala sa Upi Municipal Police Station ang suspek para sa proper dispostion.
Comments