top of page

45 matataas na kalibre ng armas, isinuko ng mga punong barangay at local leaders ng Sultan Kudarat sa pamumuan ng 7th Infantry Battalion

iMINDSPH


Bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa mga ilegal na armas, pitong high-powered firearms, 34 low-powered firearms, at apat na pampasabog ang isinuko ng mga punong barangay at local leaders ng Sultan Kudarat sa pamunuan ng 7th Infantry (Tapat) Battalion sa Brgy. Kapaya, Bagumbayan, Sultan Kudarat, a - 24 ng Marso, 2025.

Ito ay kinabibilangan ng dalawang M79 grenade launcher, tatlumpu’t tatlong 12 Gauge Shotgun, isang 5.56mm Rifle, isang Cal. 50 Barrett Rifle, tatlong Rifle Grenade, isang RPG Rocket Grenade, isang 7.62mm M14/Single Shot Rifle, isang 5.56mm Pistol, at isang 5.56mm M16 Rifle.


Ayon kay Lt. Col. Tristan Re Vallescas, pinuno ng 7IB, ang pagsuko ng mga baril ay resulta ng mas pinaigting na Small and Light Weapons o SALW Management Program.

Ang mga isinukong armas ay itinurn-over kay Brigadier General Michael Santos, Commander ng 603rd Brigade, sa pamamagitan ni Col. Ali Luis Macawaris, Deputy Brigade Commander.


Kasama rin sa seremonya sina Police Executive Master Sergeant Mier Laguda Asug ng Bagumbayan MPS at Noel Fuentes, SB Member ng Bagumbayan.

Pinuri naman ni Major General Donald M. Gumiran, Commander ng 6ID at JTF-Central ang magandang halimbawa ng mga pinuno ng barangay bilang pagsuporta sa paglansag sa mga di lisensiyadong mga baril sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page