₱471K halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng otoridad sa isang sasakyan sa Kiamba, Sarangani Province; 2 lalaki, arestado
- Diane Hora
- 20 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng mga otoridad ang 600 reams ng mga ipinuslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱471,480.
Kinilala ang mga sakay na sina alyas “Boy Warrior”, 50 years old at alyas “Paksiw” 42 years old, pawang residente ng General Santos City.
Nakarehistro naman sa isang residente ng Barangay Apopong ang sasakyan na pinagkargahan ng mga smuggled cigarettes.
Nasa kustodiya na ng Kiamba Municipal Police Station ang mga naarestong indibidwal habang ituturn over naman sa Bureau of Customs sa General Santos City ang mga nakumpiskang smuggled cigarettes para sa kaukulang legal action at disposition.
Comentarios