top of page

473 Bangsamoro na naninirahan sa mga lugar na hindi sakop ng BARMM ang tumanggap ng compensation sa pamamagitan ng TUPAD Program

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa pagpapatuloy ng implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program para sa Bangsamoro constituents na naninirahan sa mga lugar na hindi sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao BARMM-



Pinangunahan ng Ministry of Labor and Employment MOLE ang distribusyon sa pamamagitan ng mga personnel ng MOLE Zamboanga Satellite Office, kasama ang Department of Labor and Employment Regional Office IX-DOLE RO9 at Zamboanga Women’s Federation, Inc.,



Isinagawa ito, a-23 ng Abril sa Zamboanga Central School SPED Center sa Zamboanga City.



Tumanggap ng P4,140.00 na compensation ang bawat isa sa four hundred seventy-three (473) beneficiaries.



Sa loob ng sampung araw ang mga beneficiaries ay nagsagawa ng community-based tasks, kabilang dito ang street sweeping at drainage cleaning sa kani-kanilang barangay.



Ang TUPAD program ay bahagi ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o D-I-L-E-E-P.


Ang DILEEP ang isa sa mga main programs ng DOLE para sa social protection.


Sa distribusyon, binigyang diin ni MOLE Minister Muslimen Sema ang inclusive vision sa likod ng program expansion.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page