54-anyos at 44 anyos na umano’y drug den maintainer, timbog ng PDEA BARMM sa isinagawang buy-bust operation sa Cotabato City; 23-anyos na lalaki, arestado rin
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas si alyas “Omar” 54 years old, alyas “Pay” 44 years at alyas “Ali” 23 years old sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA BARMM araw ng Miyerkules, April 30 sa Barangay Bagua.

Si alyas “Omar” at “Pat” ang sinabi ng PDEA BARMM na umano’y drug den maintainer.

Nakumpiska sa operasyon ang 21 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng suspected shabu.
Ayon sa PDEA, tumitimbang ito ng mahigit kumulang walong gramo at may estimated value na Php 54,400.00.
Nakuha rin sa operasyon ang buy-bust money, financial documents, iba’t ibang drug paraphernalia, identification cards, at dalawang cellphone.
Nakakulong na sa PDEA BARMM Jail Facility ang mga naaresto at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comentarios