596 pulis mula sa Caraga, nakatakdang dumating sa PNP PRO BAR para tumulong sa pagbabantay sa halalan sa Mayo
- Diane Hora
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

596 pulis mula sa Caraga Region ang nakatakdang darating sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, ayon sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.

Isinagawa ang send-off ceremony kaninang umaga.

Ang 596 pulis ay kinabibilangan ng 59 babae at 537 lalaking pulis. Sila ang magiging bahagi ng Police Regional Office 13 contingency na inatasang sumuporta sa PRO BAR para sa maayos at mapayapang eleksiyon at siguraduhing malayang makakapunta sa mga voting center ang mga botante.
Bago ang pag-alis ngayong umaga, bibigyan ang bawat isa ng health kits at babasbasan ni Rev. Fr. JSupt. Aldrin Alaan ang Regional Chaplain ng BJMP13.
Comments