top of page

7 pang miyembro ng CPP-NPA-NDF, nakapag bagong buhay na sa Bagong Taon matapos gawaran ng amnestiya ng pamahalaan

  • Diane Hora
  • 23 hours ago
  • 2 min read

iMINDSPH



Bagong buhay na sa bagong taon ang pitong miyembro ng CPP-NPA-NDF matapos aprubahan ng pamahalaan ang kanilang amnesty applications.


Ayon sa National Amnesty Commission o NAC, ang application ng pitong panibagong batch na ginawaran ng amnestiya ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong December 26, 2025.


Matatandaang siyam na amnesty applicants ang unang ginawaran ng amnestiya ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. noong September 2025


Sa kabuuan, labing anim na ang ginawaran ng amnestiya ng gobyerno. Labing lima dito ay mula sa CPP-NPA-NDF at isa mula sa Moro Islamic Liberation Front sa katauhan ni MILF Northeastern Mindanao Front Commander at Member of Parliament Basit “Jannati” Mimbantas.


As of December 31, 2026, tumanggap ang NAC ng 7,171 applications.

5,755 dito ay mula sa Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP–NPA–NDF); 928 ang mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF); 396 ang mula sa Moro National Liberation Front (MNLF); at 92 ang mula sa Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas–Revolutionary Proletarian Army–Alex Boncayao Brigade o RPM-P/RPA-ABB.


Ang deadline ng amnesty application para sa MILF, MNLF AT RPM-P/RPA-ABB ay itinakda ngayong March 4, 2026 habang March 13, 2026 naman ang deadline ng application para sa dating miyembro ng CPP–NPA–NDF.


Patuloy ang panawagan ng Komisyon sa mga nagnanais na mag-avail ng amnesty program ng gobyerno na maghain na ng aplikasyon sa pinakamalapit na Local Amnesty Boards o LAB sa inyong lugar.


Ang National Amnesty Commission ay mayroong Locao Amnesty Board sa Metro Manila, Pampamnga, La Union, Baguio, Isabela, Albay at Quezon para sa Luzon.


Habang Catbalogan City, Tacloban City, Bohol, IloIlo City, at Bacolod City sa Visayas.


Butuan City, Davao City, Cagayan de Oro City, Koronadal City, Cotabato City, Pagadian City, Isabela, Basilan, at Jolo, Sulu sa Mindanao.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page