top of page

Araw ng kapanganakan ng National Artist for Visual Arts na si Abdulmari Imao, ginunita ng Bangko Sentral ng Pilipinas

  • Diane Hora
  • Jan 15
  • 1 min read

iMINDSPH



Ginunita ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang walompo’t siyam na kaarawan ni Abdulmari Imao, ang National Artist for Visual Arts.


Taong 2006 nang gumawa ng kasaysayan si Imao bilang kauna-unahang Moro at kauna-unahang artist mula sa Mindanao na tumanggap ng prestiyosong parangal.


Ang national artist ay ipinanganak sa Siasi, Sulu taong 1936.


Tumanggap ito ng scholarship at nag-aral ng Fine Arts sa University of the Philippines bago nito nakamit ang kanyang master’s degree mula sa University of Kansas.


Kinilala si Imao matapos nitong gawing tanyag ang Muslim iconography partikular ang sarimanok, the naga, gayundin ang Okir motifs.


Ayon sa BSP, binigyang buhay nito sa kanyang mga obra ang mga ancient symbol at i-transform sa isang makulay na paghahayag ng spiritual, cultural at artistic fusion.

 
 
 

תגובות

דירוג של 0 מתוך 5 כוכבים
אין עדיין דירוגים

הוספת דירוג

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page