BAKUNA ESKWELA NG MINISTRY OF HEALTH, TULOY SA PAG-ARANGKADA NGAYONG BUWAN NG NOBYEMBRE
- Diane Hora
- Nov 11, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa MOH, isasagawa ito sa mga pampublikong paaralan sa rehiyon.
Ang mga mag-aaral mula sa unang baitang, grade 4 at grade 7 ang sakop nito.
Sinabi ng MOH na huwag hayaang mabiktima ng fake news tungkol sa bakuna.
Ang tamang impormasyon tungkol sa mga bakuna ayon sa ministry laban sa tigdas, tigdas-hangin, dipterya, tetano, at cervical cancer ay matatalakay sa vaccination orientation para sa mga magulang.
Makipag-ugnayan lamang sa inyong health center para makausap ang pinakamalapit na doktor o healthcare worker.
Ayon sa MOH, Proteksyon at kaligtasan ang hatid ng mga bakuna. Magpabakuna na, dahil Bawat Buhay Mahalaga dagdag pa ng ministry.
Comments